Kung sinabi mo noon ako'y iyong mahal 'Di sana ay tayo na ang nagkatuluyan Nang sinabi ko noon, ikaw ang mahal ko Ito'y tapat at may dalang walang hanggang pangako
Chorus
Ngunit 'di nagkatotoo, may iba kang nakita Kaya't nakapagtataka, ba't ako'y hinahanap mo pa Kung tayo'y magkikitang muli, pwedeng magtanong sa 'yo Ang tibok ba ng puso mo'y nagbago
Verse 2
Kung sinabi mo noon, ika'y may pagtingin 'Di sana ay wala nang makapaghadlang sa atin Nang sinabi ko noon, ikaw lang ang mahal Ang nasa isip ko, ito ay magtatagal