(Words and Music by raymund Ryan/Published by Soundscape Music Publishing)
Talaga naman, nakakabighani Talaga naman, nakakagulat Nakapagtataka, ba’t ka nasa isip Nakakapanghinayang, sana’y maulit
Talaga naming nakakabigo Talaga naming nakakalungkot Kung kelan pang malapit nang mahulog ang loob Saka ka lumisan sa’king pagtulog
Panaginip, nakakabaliw Nakikita nga, di naman natatanaw Talaga naman, hanggang doon na lang Ang pag-ibig na sana’y alay sa’yo’y Talaga naming di na matutuloy
Talaga namang pinapangarap Talaga naming gusto kang mayakap Muling mahawakan ang iyong mga kamay Kahit na alam kong ito ay di tunay