Sawa ka na ba sa mga hustle sa buhay mo Ayaw mo na bang mag-isip para sa sarili Tinatamad ka ng bumyahe Ang gusto mo’y nakahiga na lang Napapagod ka na ba sa kayayakap sa asawa mo
[refrain] Ito/ako ang kailangan mo I-dial lang ang telepono
[chorus] Hindi na dapat maghirap Sa iisang iglap ang buhay ay sasarap ‘Wag nang mag-atubili kumuha ng Superproxy
Ako ay kaibigan na lagi mong maasahan Umulan man o umaraw ay nariyan ‘pag kailangan mo Ito ay special offer sa mga taong katulad mo Gamitin ang iyong bulsa para guminhawa